ihearts18:

Cutee xD

Ohhhhh cute:)


justgelaii:

10knotes:

Submitted by                                                                                                                       baby-lockthemdoors

I recommend following this blog, you won’t regret it!

I want this!

I want oneeee!
auds01:

“Alamat ng Monthsary” 
Noong taong 2000, may isang babaeng high school student pa lang ay  nag-aambisyon ng pumasok sa isang relasyon. Siya ang ating bida. Gusto  na niyang magka-boyfriend, kaya kahit bata pa siya sinisikap na niyang  gumawa ng mga paraan para naman may ma-inlove sa kanya. Nagpapaganda  siya, naliligo araw-araw at nagpapabango.
Hanggang sa  naging effective nga ang kanyang mga ginawa. ISANG ARAW, may isang  lalakeng malakas ang loob, matibay ang buto at mataas ang  self-confidence ang lumapit sa kanya nung break time nila. Nagpakilala  ang lalake at tinanong ang cellphone number niya. Nagpakipot muna si  Bida ng konti pero binigay din naman niya ang number niya. Naging  textmate nga sila, sa una friends muna (ummm…showbiz), at tuluyan ng  nanligaw ang lalake, at BINGO! naging boyfriend na niya ‘to. Lahat ng  ito ay nangyari sa loob lang ng ISANG ARAW.
Mabilis ang  pangyayari, pero balewala ito sa Bida. Feeling niya inlove na inlove  siya, kaya nga noong first day nilang magkasama bilang lovers, lahat ng  gusto at plano ni Bida about sa magiging Anniversary nila ay sinabi na  niya agad sa lalake. Masaya naman ang relasyon nila parang love team  nina John Lloyd at Bea. Excited na sana siya, kaya lang after 2 weeks,  pag labas ni Bida sa school ay nakita niya ang Prince Charming niya na  may kasamang Witch (take note: sobrang sweet nila). Kaya naman napasugod  ang Bida sa dalawa, di napigilan ang sarili sabihin sa kanyang  boyfriend-“how dare you?”. Inaway-away niya si boyfriend pati na rin si  Witch, kaso gumawa ng curse si Witch kaya natalo siya. Matagal na pa  lang girlfriend ni Prince Charming si Witch, it means na kabit lang pala  si Bida, kaya wala siyang nagawa kundi mag walk-out at magbigay ng  final words-“I shall return!”. Iyon na lamang ang nasabi niya.
Tumakbo  siyang umiiyak sa ulan (naks! parang telenovela). Pagdating niya sa  bahay nila ay nagkulong siya sa kwarto at nagpaka-emo, umiiyak siya  habang nag-sa-soundtrip. Ilang araw niya ring iniisip kung bakit siya  naloko ng Prince Charming niya,naisip niya na baka masyado siyang nag  madali at hindi muna kinilala ang lalake. Napag-desisyunan ni Bida na  hindi na siya magpapaligaw sa loob ng ISANG ARAW. Patatagalin niya muna  ang pag-papakipot para lubos niyang makilala ang magiging boyfriend  niya.
Hanggang sa nakapag-move-on na ang ating Bida,  bumalik na siya sa pag-iisip niya (kung may isip nga siya). Samantala,  habang naglalakad siya papasok sa gate ng school campus ay may isang  lalakeng tumatakbo ang naka-bunggo sa kanya, nabitawan niya ang mga dala  niyang libro, at sa sobrang katangahan ni Bida tumama ang ulo niya sa  rehas ng gate, hindi kasi siya mentally present. Tinulungan siya ng  lalakeng naka-bangga sa kanya, dinampot nito ang mga libro ni Bida,  nagkahawakan pa sila ng kamay nang magkasabay nilang pulutin ang isang  libro, nagkatitigan sila at may naramdaman silang spark (may live wire  pala sa tapat nila). Matapos damputin ang dalawang dosenang libro,  humingi ng sorry ang lalake at umalis na. Sinundan siya ng tingin ni  Bida pero ang bilis nitong nawalang parang magnanakaw. Simula noon  naramdaman na ni Bida na parang na love at first sight siya, umaasa  siyang makikita muli ang Knight in Shining Armor niya (medyo old school  ang pagkikita nila).
Minsan, niyaya si Bida ng mga  friendship niyang manood ng practice game ng mga Basketball Players ng  school nila. Pumayag siya, pumunta sila sa gym, sa unahan sila umupo  para makita nila ng mas mabuti ang mga gwapong players.  Pagkaupong-pagkaupo nila ay napako ang tingin ni Bida kay Player 13,  hindi siya pwedeng magkamali dahil ang lalakeng ‘yon ang naka-bangga  niya. Sa sobrang pag-titig niya sa lalake, nawala ang atensyon niya sa  ibang bagay na para bang walang ibang tao sa mundo kundi sila lamang  dalawa ng Player. Hindi niya rin namalayan ang bolang paparating sa  kina-uupuan nila, nakaiwas ang mga friends niya pero ang Bida?,ayon!  sapul sa mukha niya ang bola. Nahilo siya, nakakakita siya ng mga stars,  tinanong ng mga friends niya kung ok lang siya (malamang hindi).  Lumapit sa kanya ang isang player para kunin ang bola at syempre para  humingi ng sorry sa kanya. Parang gusto niya ulit mawalan ng malay dahil  si Player 13 ang lumapit sa kanya, nagkita na naman sila ng Knight in  Shining Armor niya accidentally (literal na aksidente).
Hinintay  ni Bida na matapos ang laro, gusto niya kasi makilala si Basketball  Player. Matapos ang isang siglo natapos din ang practice game, nag-uwian  na ang ibang mga players at ang mag friends ni Bida. Nilakasan niya ang  loob at kinapalan ang mukha, tsaka nilapitan si Basketball Player. “Hi”  intro niya, “Are you remembering me?” (wrong grammar pa si Bida).  Napa-question mark ang expression ng mukha ni Player dahil sa english ni  Bida, pinilit na lang niya itong intindihin kahit sa totoo lang gusto  na niyang masuka. “Oo, natatandaan kita”-sabi ni Player. Humingi ito  ulit ng pasensya kay Bida, doon na nag simula ang closeness nila.
Pagkatapos  ng getting-to-know each other moment nila, nanligaw na si Player kay  Bida. Sinagot naman niya ‘to, ngunit hindi naman niya sinira ang pangako  sa sarili. Hindi siya nag-paligaw sa loob lang ng ISANG ARAW, tumagal  din ang pagpapakipot niya ng ISANG LINGGO bago siya napasagot ni Player.  Ang saya ng bonding nila bilang lovers, madalas si Player pa ang nag  me-make-up sa kanya’t pumipili ng damit na isusuot niya kung gagala  sila. Feeling ni Bida masyado lang protective at sensitive si Player  kaya ganoon ang kilos ng lalake. Pinag-uusapan din nila ang tungkol sa  celebration ng Anniversary nila. Masaya si Bida dahil ang daming ideas  ni Player tungkol sa topic nila.
Natapos ang kaligayahan  ni Bida nang pagkalipas ng dalawang buwan ay nakikipag-break na sa kanya  si Player. Hindi niya ito maintindihan dahil wala naman silang  pinag-aawayan, parehas pa nga nilang favorite color ang  pink. Kaya  naman tinanong niya si Player ng straight-to-the-point kung bakit ito  nakikipaghiwalay. “I’m Gay”-sabi ni Player, sinabi rin ni Player na kaya  lang siya sumali sa Basketball Team ay para ma-tsansingan ang mga crush  niyang players dahil sabay-sabay silang naliligo pagkatapos ng laro  nila. At kaya niya niligawan si Bida ay para hindi siya pag hinalaan ng  mga ka-team mates niya na isa siyang bakla. Naloka si Bida sa kanyang  narinig, hindi niya akalaing pumatol siya sa kapwa niya girl,wala siyang  kaalam-alam na ginamit lang siya nito. Hindi niya matanggap na hindi  siya gusto ni Player, dahil ang gusto pala nito ay maging Cheerer.
Lubos  na namang nasaktan ang ating Bida, napakamalas ng pag-ibig para sa  kanya. Gusto niya sanang mag suicide kaya lang takot siya sa dugo, wala  rin sa phonebook niya ang emergency hotline kung sakaling maglaslas siya  ng pulso. Kaya naman pinili na lang niya mabuhay, maging matatag at  magsimula ng panibagong bukas.
Dumaan ang maraming araw,  buwan at bituin. Umambon, umulan, bumagyo at bumaha sa Marikina. Ang  ating Bida ay nakapag move-on na ulit, balik na siya sa abnormal niyang  buhay. Muli, umaasa siyang may tapat na lalake ang magmamahal sa kanya.
Sa  school, ina-nounce ng adviser nila na magkakaroon sila ng Welcome Party  para sa mga freshman students, pinaghahanda sila para sa darating na  party. Ayaw na sana niyang pumunta sa party dahil loveless siya kundi  lang siya tinukso na “KJ” ng mga kaibigan niya. Hindi siya excited,  bumili agad siya ng bagong damit.
Araw ng Party, ang lahat  ay masaya, pasikatan ng porma at pagandahan ng hairstyle. Yung iba  parang fashion model, ang iba parang pupunta sa patay (all black), at  ang iba parang naghukay pa sa baul ni lola sa style ng damit nila. Lahat  ay nag-eenjoy habang sumasayaw except sa ating Bida, nakaupo lang siya  sa tabi, pinapanood ang mga school mates at friends niya. Tinugtog ang  isang love song, lahat ay nag sayaw ng sweet, lahat ay may partner at  naiingit siya. Napawi ang inggit niya ng isang lalakeng lumapit at ayain  siya nitong sumayaw. Natulala siya, nag shake ang world niya, bumaba  ang mga anghel sa langit at nag-awitan (ng kumain siya ng voice). Pinana  na naman ata ni Cupid ang puso niya. Muli siyang tinanong ng lalake  kung pwede silang mag sayaw,  natauhan si Bida at pumayag siya sa alok.  Ang sweet ng tugtog, para sa kanya right timing ang lalake sa pagyaya sa  kanya dahil lalo siyang na-i-inlove dito. Pagdating nila sa gitna para  mag sayaw, napalitan ang love song ng hiphop. Napakamalas talaga,  feeling niya sinadyang palitan ng DJ ang tugtog. Hindi na sweet ang  kanta nila, napilitan si Bida makipagsayaw ng hiphop kay Dancer.  Hihintayin niya na lang ulit magpatugtog ng love song, naubos na lahat  ng CD sa Odyssey wala pa rin ang love song na hinihintay niya. Pagod na  ang mag binti’t paa niya kaya niyaya na niya si Dancer na magpahinga.  Bumalik sila sa upuan, akmang uupo pa lang si Bida ay biglang  nagpatugtog ulit ng love song ang DJ. Parang gustong ibato ni Bida ang  sapatos niya sa DJ, gusto niya itong barilin sa ulo, ipakain sa leon,  ipain sa pating, baliin ang mga buto, pakuluan sa mainit na tubig,  lagyan ng sibuyas at kamatis at ipadala sa Mars. Feeling niya nananadya  ang DJ, baka may galit ito sa kanya. Anyway, si Dancer naman ay kinuha  siya ng maiinom kaya napawi ang galit niya.
Pagkatapos  magpakilala sa isa’t-isa, nagkwentuhan about sa mga personal nilang  buhay, about sa family nila lahi at mga ninuno nila, pati mga alagang  hayop, lamok, ipis at mga butiki sa bahay nila. Dumating ang mga araw  naging close friends na sila, at dumating pa ang mga ilang araw nanligaw  na si Dancer kay Bida, at dumating pa ang mga ilang-ilang araw ay  sinagot na ni Bida si Dancer. Ayaw na sana niyang magmahal kaso anong  magagawa niya?. Meron siyang malaking puso na tumitibok ata ng 200 per  second sa tuwing nakakakita siya ng lalake at utak na kasing-liit ng  munggo sa katangahan.
Muli naging makulay ang buhay ng  ating Bida, ngumingiti at tumatawa na ulit siya. Nagkaroon na siya ng  bagong inspirasyon, happy siya dahil seryoso naman si Dancer sa kanya.  Wala itong ibang girlfriend at hindi rin ito bading. Napag-uusapan din  nila ang magiging Anniversary nila. Dumating ang dalawang buwan, natakot  si Bida dahil baka may masamang mangyari sa relasyon nila, pero wala  naman, nagpatuloy ang relasyon nila hanggang sa apat na buwan na silang  lovers in Paris.
Lumipas at nakupas pa ng mga araw na  magka-relasyon sila. Nag-aalala na si Bida dahil isang linggo ng absent  si Dancer, iba’t-iba ang pumapasok sa utak niyang posibleng  maging  dahilan nito sa pagliban sa klase. Baka may sakit si Dancer, o kaya  naman ay naaksidente, nasagasaan at na-comatose, na-murder at tinapon  ang bangkay sa ilog, o di kaya’y kinidnap ng Abbu-Sayaff (patay!wala  siyang pang-ransom). Natigil ang pag-i-imagine niya ng kung anu-ano ng  lumapit ang isang estudyante’t iabot sa kanya ang dala nitong sulat.  Kinabahan siya dahil baka isa itong death threat, binasa niya ang  nakasulat sa sobre, nawala ang kaba niya dahil galing pala ito sa  kanyang boyfriend. Masaya niyang binuksan ang sobre at binasa agad ang  sulat na may title na “Liham Pagpapaalam”. Lumuluha ng dugo si Bida  habang nagbabasa, lumipat na pala ng tirahan ang pamilya ni Dancer, at  lumipat na rin ito ng school. Pinuputol na ni Dancer ang relasyon nila  dahil ayaw nito ng long distance relationship. Dahil sa bundok ata ang  nilipatan nina Dancer, walang signal ang smart, hindi rin uso ang  internet kaya hindi sila makakapag-chat kahit gusto nila. Gustong  ihampas ni Bida ang ulo niya sa pader, sa pangatlong pagkakataon nabigo  na naman siya sa pag-ibig. At ang pinapangarap na Anniversary  celebration ay hindi matupad-tupad.
Finally, nawalan din  ng pag-asa si Bida sa mga lalake. Umisip na siya ng bagong career,  nagsipag na lang siya sa pag-aaral, tinigil na ang paghahanap ng  boyfriend at ang ambisyong magkaroon ng mala-fairytale na Anniversary  celebration. Lumipas ang maraming pangyayari sa buhay eskwela ni Bida,  nagsulat, nagbasa, nag-recite, nag-exam at nangopya. Naging maligaya  siya sa pag-aaral, sa katunayan isa siya sa napiling tumakbo bilang  Presidente ng School Student Government Council. Gusto ni Bida manalo  kaya nagsikap siya gumawa ng paraan. Sa tulong ng kanyang Campaign  Manager marami siyang nakuhang strategy. Araw-araw iniikot niya ang  buong campus, nangangako siya ng maraming bagay, nilalatag niya ang  kanyang plataporma. Naging friendly siya, kinakamayan niya lahat ng mga  estudyante (pagkatapos ay lihim na gagamit ng sanitizer para maka-iwas  sa A(H1N1).), namimigay siya ng mga candy, tumutula, sumasayaw,  kumakanta, tuma-tumbling, at bumibili ng boto. Parang carnaval ang  school nila sa tuwing nangangampanya siya. Ang lahat ng pagod, sipag at  tiyaga (Manny Villar), puhanan, pawis at pera ay hindi nauwi sa wala.  Araw ng announcement ng mga nanalong kandidato, nagtagumpay si Bida sa  pagkamit ng kanyang minimithi.
Siya ang naging  kauna-unahang babaeng presidente ng Student Council sa School nila.  Labis ang kanyang kagalakan, kaya naman sa unang araw pa lamang ng  pag-upo niya sa pwesto bilang presidente ay pinatupad niya agad ang  kanyang kauna-unahang batas, ang Republic Act 013. Ang batas na ito ay  nagsasaad na ang mga lovers, mag boyfriend/girlfriend sa school nila ay  dapat mag celebrate ng Anniversary in advance. Hindi na dapat pang  hintayin ng mga lovers ang isang taon bago magdiwang, sa halip ay  buwan-buwan ng gaganapin ang nasabing okasyon at ito ay tatawaging  “Monthsary”. Ipagdiriwang ang “Monthsary” sa number ng month kung kailan  sinagot ng babae ang lalake (or vice versa), kung kailan sinagot ni  lalake si babae (e.g. November 2 mo siya sinagot, therefore December 2  ang monthsary niyo). Pinatupad ito upang sa ganon maranasan nila mag  date once in a month at hindi na maghintay pa ng break-up bago ang  anniversary.
Pinatupad nga ni Bida ang batas na ito, at  mabilis na nagpalipat-lipat sa iba’t-ibang school. Naging sikat ang  batas na ito lalo na sa mga kabataan. Mas sikat na ang monthsary kaysa  sa birthday.
Ang batas na inambag ng ating Bida ay malaki  ang naging impluwensiya sa buong bansa. Malaki ang naitulong nito sa  aspetong pang-ekonomiya at pang-kaalaman. Malaki ang naitulong ng  “monthsary” sa mga estudyante dahil napag-alaman nila na pwede ng  i-celebrate ang anniversary kada buwan. Nakatulong ito sa mga gawain ng  mga teachers dahil konti na lang ang sasawayin nila sa klase, dahil  madalas nagka-cutting classes ang mga estudyante tuwing “monthsary”.  Tumaas din ang sales ng mga malls, lalong lalo na ng mga arcades,  sinehan at fast food chains ng dahil sa “monthsary”. At ang word na  “monthsary” ay kasama na din sa mga Spelling Bee Contest. Nakatulong din  ang “monthsary” sa pagdami ng populasyon, pag-aasawa ng maaga, at mga  kabataang di-nagsisipagtapos.
Tunay nga ang kadakilaan at  katalinuhan ng Bida nating naka-imbento ng “monthsary”, dahil dito  karapat-dapat siyang magkamit ng Nobel Prize Award, barilin at pagawan  ng rebulto sa Luneta Park. At yan ang “Alamat ng Monthsary”
@  http://twitter.com/#!/audHzz

Looool mich :))
lovequotesrus:

Photo Courtesy: itsnoworneverox
lovequotesrus:

Photo Courtesy: socialanxietythings
asdfghjkllove:

lovequotesrus:

Photo Courtesy: delenawhore

O_O

Awwww


*August 26, 2011 35534 hearts reblog*
-truebeauty:

people won’t reblog cause they don’t want their blogs to look as ugly as their hearts.
if you can’t spare 1 second to reblog this… you have NO heart.
*August 13, 2011 333224 hearts reblog*
marvilovesthree:

Only 3 words from you :”>